NAGSAGAWA ng Tactical Air Intercepts (TAI) Exercise ang mga piloto ng 5th fighter wing ng Philippine Air Force (PAF), kasama ang mga piloto ng Hawker hunter ng Estados Unidos sa Clark Air Base, Mabalacat City, Pampanga.
Ayon kay PAF public affairs office chief Colonel Maj. Consuelo Castillo, ipinakita sa training exercise ang tactics, techniques, and procedures gamit ang FA-50 at Hawker hunter aircraft sa katubigan ng Luzon.
Sinabi ni Castillo na layunin ng operasyon na matukoy ang ‘unauthorized aircraft’ na pumasok sa airspace ng bansa at kung may hatid na banta ay kailangan itong pabagsakin o sapilitang pagpapa-retreat.
Dagdag pa ni Castillo, ang TAI operations ay kadalasang isinasagawa sa panahon ng aerospace control alert operations.
Itinuturing din ito bilang isang ‘crucial military operation’ dahil kailangan bihasa ang mga piloto sa closure rates, visual cues, at iba pang attack cues para maisagawa ang misyon.