BABALIK si Taeyeon, ang soloist at main vocalist ng 2nd Gen k-pop girl group na Girls’ Generation sa Pilipinas ngayong Hulyo.
Sa anunsiyo ng local concert promoter na DNM Entertainment, sa Hulyo 30 sa Araneta Coliseum isasagawa ang concert.
Noong Abril ay una nang pumunta si Taeyeon dito sa bansa para sa K-verse concert kasama ang labelmate nito na Aespa.
Maliban kay Taeyeon ay pupunta rin ang lead dancer/ lead rapper ng Girls’ Generation na si Yuri para sa isang hiwalay na fan meeting ngayong Hulyo 9.
Sikat ang SNSD sa mga kanta tulad ng “The Boys”, “Gee”, “Genie”, “Forever 1″, ” I Got a Boy”, “Lion Heart” at iba pa.
Sa kabilang banda, inilabas na ng K-pop boygroup na EXO ang kanilang single na “Let Me In” nitong Hunyo 12.
Isa itong ballad track na kasama sa kanilang nakatakdang Hulyo 10, 2023 full- length comeback album na may pamagat na “Exist”.