Taeyeon ng Girls’ Generation, maglalabas ng panibagong mini album

Taeyeon ng Girls’ Generation, maglalabas ng panibagong mini album

MAGKAKAROON na muli ng music comeback ngayong Nobyembre 18, 2024 si Taeyeon, ang main vocalist ng 2nd Gen K-pop girl group na Girls’ Generation.

Ang comeback na ito sa susunod na buwan ay ang kaniyang magiging sixth solo mini album at pamamagatan ito ng ‘Letter to Myself’.

Noong Hulyo ay inilabas ni Taeyeon ang isang single na may pamagat na ‘Heaven’.

Ngunit ito ang kauna-unahang album release niya muli simula noong Nobyembre 2023 na may pamagat na ‘To X’.

Samantala, abangan na rin ngayong Oktubre 30 ang release ng first solo album ni Sooyoung, ang kapwa Girls’ Generation member ni Taeyeon.

Pinamagatang ‘Unstoppable’, ang album ay may apat na tracklist.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble