INANUNSIYO ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaari nang mag-umpisa ang rainy season sa susunod na linggo.
Sinabi ni PAGASA Deputy Administrator for Research and Development Esperanza Cayanan na idedeklara ang tag-ulan kapag naabot na ang rainfall criteria ng reference station ng PAGASA.
Nilinaw rin ni Esperanza na ang tag-ulan ay magka-iba sa southwest moonsoon o habagat na kasalukuyang nararanasan ng bansa.
Paliwanag nito, nakabase ang rainy season sa rain fall criteria kung saan mas malawak ang lugar na dapat na nakararanas ng pag-ulan.