Taga-Brgy. Sauyo, QC, nakatanggap ng mga regalo mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Taga-Brgy. Sauyo, QC, nakatanggap ng mga regalo mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

NAKATANGGAP ng mga regalo ang mga taga Barangay Sauyo sa Quezon City mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Lubos naman ang kasiyahan at pasasalamat ng mga benepisyaryo sa handog na Christmas gifts ng butihing Pastor.

Maaga pa lang ay nakahanda na ang volunteers sa mga ihahandog na gift packs para sa mga taga Barangay Sauyo sa Quezon City.

Ang naturang Christmas gift giving ay taon-taon na ginagawa ni Pastor Apollo C. Quiboloy kasama ang KOJC members.

Hindi lamang sa National Capital Region, kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa.

Isa ito sa adhikain ng butihing Pastor na mabigyan ng lubos na kasiyahan ang ating mga kababayan ngayong Kapaskuhan sa kabila ng kinakaharap na iba’t ibang hamon.

Ilang araw bago ang araw ng Pasko, ay daan-daang pamilya sa Brgy. Sauyo ang nakatanggap ng Christmas gift packs na may laman na iba’t ibang Noche Buena items na ipinamigay ni Pastor Apollo.

Bakas sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan na dala ni Pastor Apollo ngayong Christmas season.

Napapasayaw pa sila sa lubos na kagalakan sa natanggap na regalo mula kay Pastor Apollo.

Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa butihing Pastor sa mga natanggap na Christmas gift.

Si Keana ay lubos ding nagagalak dahil mayroon na silang dagdag na panghanda sa Pasko at kasabay pa nito ang kanyang kaarawan.

Si Aling Menita naman, ay labis din ang pasasalamat kay Pastor Apollo dahil malaking tulong ang Christmas gift lalo sa katulad niya na hindi pa nakahanap ng trabaho.

Bukod sa Gift Giving, gumagawa rin si Pastor Apollo ng round-the-clock humanitarian activities sa iba’t ibang bahagi ng mundo gaya ng Feeding program, Medical Mission, Clean-up Drive, Relief Operations, Free Education, Scholarship, Community Outreach, Livelihood, Tree Planting at marami pang iba.

Follow SMNI News on Twitter