NAGPASALAMAT ang mga taga Brgy. Sto Niño Parañaque City sa ipinagkaloob ng Serbisyo Caravan ng mga tauhan ng NCRPO-Southern Police District (SPD).
Ilan sa mga ginawa ng PNP ang information awareness laban sa ilegal na droga sa ilalim ng BIDA Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG), mga paalala kaugnay sa mga naitatalang kaso ng mga pang-aabuso sa mga kabataan at kababaihan at pagtugon sa paglaganap ng cybercrimes sa bansa.
Bukod sa lectures, namahagi rin ang kapulisan ng libreng food packs, libreng tsinelas at sapatos para sa mga bata at face masks para sa mga residente.
Nangako naman si SPD District Director PBGen. Roderick Devilles Mariano katuwang ang District Community Affairs and Development Division na palalawakin pa nila ang programang ito sa iba’t ibang barangay sa kanilang area of responsibility sa ilalim ng pagdiriwang ng Police Community Relation Month ng Philippine National Police, na may temang “Serbisyong Nagkakakisa para sa Ligtas at Maunlad na Mamamayan.”