IAANUNSYO pa kung maaari nang bumisita sa lungsod ang mga bata sa Tagaytay City.
Malaki ang naitalang bilang ng bumibisita sa Tagaytay City ayon sa Tourism officer ng lungsod.
Nilinaw nito na iaanunsyo pa nila kung papayagan na ba ang mga bata na bumisita sa Tagaytay.
Ibigsabihin, hindi pa nila ito pinapayagan sa kasalukuyan kabilang na ang 65 taong gulang pataas.
Samantala, dalawang libong bisita lang bawat-araw ang pinapayagan ng Baguio City na pumunta sa lungsod.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ito ay hakbang pa rin para maiwasan ang malaking bilang ng mga papasok dito.
Ibinahagi naman ni Magalong na nakikita nyang excited ang lahat simula ng niluwagan nila ang panuntunan ng lungsod hinggil sa fully vaccinated visitors.