Tagaytay City, isinailalim sa GCQ

Tagaytay City, isinailalim sa GCQ

IPINAGBABAWAl na muli ang paglabas ng mga menor de edad at mga senior citizen na hindi pa bakunado matapos na isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang lungsod ng Tagaytay.

Kusang loob na isinailalim ng lokal na pamahalaan ng Tagaytay sa GCQ with heightened restrictions kung saan bawal ang paglabas ng bahay ng mga menor de edad at mga edad 65 pataas na hindi pa bakunado.

Sa Exec. Order na nilagdaan ni Mayor Agnes Tolentino simula noong Lunes hanggang Hulyo 31 ay mahigpit na ipatutupad ang panuntunan ng GCQ kasabay ng pagkakatuklas ng Delta variant sa lalawigan ng Cavite.

Pinalawig din ang oras ng curfew mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga at hindi rin muna papayagan ang operasyon ng mga gym.

Ipinagbabawal na rin ang mga indoor tourist attraction pero maaari naman ang outdoor sa 30% kapasidad habang bukas ang mga kainan pero sa 20% lamang ng kapasidad para sa indoor dine-in services at 50% para sa outdoor dine-in services.

Samantala, limitado rin sa 30% capacity ang mga beauty salon, beauty parlor, barber shop at nail spa habang 10% naman sa venue ng mga religious gathering.

(BASAHIN: Taga-Metro Manila, kailangan ng travel pass sa pagpasok sa Tagaytay City)

SMNI NEWS