Taguig City, naglabas ng panuntunan sa pagsusuot ng face shield

Taguig City, naglabas ng panuntunan sa pagsusuot ng face shield

NAGPALABAS na ang Taguig City LGU ng regulasyon ng pagsusuot ng face shield sa loob ng lungsod.

Ito’y kasunod sa inatas ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa mandatoryong pagsusuot ng face shield at face mask ng mga mananakay sa pampublikong transportasyon at ng mga manggagawa ng mga opisina.


Mahigpit na ipinapatupad ang ‘No Face shield, No Ride’ sa lungsod ng Taguig sa mga mananakay ng mga pampublikong transportasyon kasunod na rin sa ipinag-uutos ng DOTr.

Maging sa shuttle services na ipinagkaloob ng mga employer ay mahigpit din ipinatutupad sa kanilang mga  empleyado ang naturang polisiya.

Para naman sa work place, nilinaw ng Taguig City Government na full face shield ang kinakailangan na  pagsusuot ng mga manggagawa sa kanilang mga trabaho.

Ibig sabihin dapat lampas sa  baba ng  mukha ng tao ang dapat na gamiting face shield at hindi pinapayagan ang mga visor type ng face shield.

Dapat na sabay ang pagsuot ng face mask at face shield lalo na kung may kausap itong mga kasamahan sa trabaho kliyente o bisita.

Maaari lamang tanggalin ang face shield kung hinihiling at kailangan.

Bukod sa face mask at face shield mahalaga pa ring bantayan ang social distancing.

Pinapayuhan ang mga empleyado na gawin ang tamang paghuhugas ng kamay o disinfectant bago ang pagsusuot ng kanilang face shield.

Bukod pa dito pinaalalahanan din ng Taguig LGU ang mga nagtitinda batay sa memorandum na inilabas ng Department of Health dapat  nasa P26 hangang P50 lamang ang Suggested Retail Price ng face shield.

Na yari sa clear plastic, acetate robust material na madaling linisin at ma-disinfect

Na dapat din na magbigay ng good visibility, fog resistant at komportable sa noo ng tao.

Sa kabila nito wala pang nabanggit na penalty sa mga lalabag  ng pagsusuot ng face shield sa buong siyudad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.