Taguig LGU, dinagdagan ang mga benepisyo sa unang 100 araw ng administrasyon

Taguig LGU, dinagdagan ang mga benepisyo sa unang 100 araw ng administrasyon

DINAGDAGAN ng Taguig City government ang benepisyo ng mga residente nito sa unang 100 araw ng administrasyon ni Mayor Lani Cayetano.

Ayon sa LGU, karagdagang P1,000 na allowance kada buwan ang kanilang ibinibigay sa lahat ng guro, non-teaching staff, prinsipal ng mga eskwelahan, officers in charge, at iba pang opisyales ng DepEd.

May karagdagang P1,000 na allowance din kada buwan para sa mga street sweepers ang pamahalaang lungsod.

Pinalawak din ng LGU ang SSS coverage para sa mga self-employed tulad ng Job Order at Contract of Service personnel na nagtatrabaho sa pamahalaang lungsod.

Follow SMNI NEWS in Twitter