NASA kabuuang P13.5 bilyong halaga ang inilabas ng Taguig LGU para sa recovery budget nito para sa taong 2021.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano sa naturang budget kabilang na dito ang P1 bilyong inilaan para sa bakuna kontra COVID-19 sa lungsod.
Dagdag pa ng alkalde target ng Taguig LGU na mabigyan ang bawat isang Taguigeño ng libreng bakuna laban sa COVID-19.
Sa ngayon ayon pa sa alkalde nakikipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan ng lungsod sa joint task force at sa Department of Health para sa pamamahagi ng bakuna sa Taguig.
Ipinagmamalaki din ni Cayetano na nakatakda na rin ang Taguig LGU na pasinayaan ang kanilang model Taguig vaccination at paglabas ng citizens ID ngayong buwan ng Enero.
Paalala naman ni Cayetano sa mga residente ng Taguig na ang maagang paghahanda para sa pagbabakuna sa lungsod ay isang bahagi lamang na paglaban sa COVID-19 ng Taguig.
Ang Taguig City ang naitalang may pinakamababang active cases ng COVID-19 sa Kalakhang Maynila.