Tagumpay ng PNP, ibinida sa pre-launching ng Bagong Pilipinas Kick-off Rally sa Kampo Krame

Tagumpay ng PNP, ibinida sa pre-launching ng Bagong Pilipinas Kick-off Rally sa Kampo Krame

PINANGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP) chief, P/Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang pre-launching ng Bagong Pilipinas Kick-off Rally ngayong araw, Enero 24, 2024.

Dito, ibinida ng PNP ang mga naging tagumpay ng Pambansang Pulisya sa nakalipas na isa at kalahating taon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Isasagawa ang programa sa harap ng National Headquarters ng PNP sa Kampo Krame ganap na alas-10 ng umaga kung saan dadaluhan din ito ng mga opisyal ng PNP.

Una nang ipinagmalaki ni Acorda ang mataas na trust at approval ratings na nakamit ng PNP batay sa mga survey gayundin ang matagumpay na kampanya kontra ilegal na droga at ang pagkakatala ng Pilipinas bilang isa sa mga pinakaligtas na bansa sa Asya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter