KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tagumpay ng programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ang pahayag ay kasabay ng ginanap na programa para sa pormal na deklarasyon ng Davao Region bilang ‘Insurgency-free’.
Nanguna sa naturang okasyon sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Kinilala rin ni PBBM ang pagsisikap ng mga Local Government Unit, maging ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga awtoridad, na nagpapatupad ng batas sa rehiyon para sa pagsuporta sa NTF-ELCAC.
Saad ni Pangulong Marcos, talagang matagumpay ang implementasyon ng NTF-ELCAC kung saan resulta nito ang pagiging ‘Insurgency-free’ na ng maraming lugar sa bansa.
Kung matatandaan, ipinanawagan noon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapatuloy sa nasimulang mga programa ng NTF-ELCAC upang mabigyang solusyon ang insurhensiya sa bansa.
Sa ilalim ng Executive Order Number 70 na nilagdaan ni former President Duterte, ay ini-institutionalize nito ang Whole Nation Approach Policy para magkaroon ng kapayapaan at tapusin na ang bakbakan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at rebeldeng New People’s Army (NPA).