TAIMTIM na nanalangin ang mga taga-suporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Davao City na naniniwala at buong pusong nananalig na tinugon na ng Amang Makapangyarihan ang kanilang mga pagtawag at hiling na hustisya para sa butihing Pastor.
“Naniniwala rin tayo na dinidinig na ng ating Panginoon ang ating mahal na Ama thru His Appointed Son ang lahat ng ating mga dalangin. Because if we are going to look back doon sa Old Testament, the only way that we can overcome, that we can win, or conquer the battle is thru prayers, worship at tsaka ‘yung pagpapakita natin ng ating mga kasiyahan thru dancing kasi, when we are dancing we are already claiming the victory,” ayon kay Jo Ortega, KOJC Full-time Missionary Worker.
Tulad noon pa man, naniniwala ang Kingdom members, workers at supporters ni Pastor Apollo na nakikiisa sa nasabing pagtitipon na nananatiling ang panalangin ang pinakamalakas na sandata sa pagkamit ng katarungan at hustisya.
“Nandito kami lahat ngayon dito sa KJC Compound dahil alam namin at naniniwala kami, buong puso namin na ang katotohanan talaga ay nasa kay Pastor dahil kahit kailan hindi kami pinabayaan ni Pastor,” ayon kay Myrna Advincula, KOJC Full-Time Missionary Worker.
Naniniwala sila na ang panalangin at pagpupuri ang pinakamalakas na sandata sa pagkamit ng hustisya at katarungan.
Isa si Sis. Myrna sa mga nananawagan ng pagkamit ng katarungan para kay Pastor Apollo at handang humarap kanino man para mapatunayang mali at hindi totoo ang mga binibintang dito.
“Kung meron pa kaming pangalawang buhay na ialay para ipaglaban si Pastor gagawin namin ‘yun hanggang sa huling hininga ng aming buhay.”
“Pastor ipaglalaban ka namin dahil alam namin Pastor na kayo ay totoo kahit kailan Pastor wala kayong sinaktan na tao, araw-araw nagluluto kami ng 1,200 kilos na isda, araw-araw nagsasaing kami ng 50 kilos of rice ni minsan, ni isang worker walay nagutuman ako mismo kilala nyo ako na ako ang nagluluto sa inyo na 30 na kawa na manok, isda araw-araw pinapakain sa inyo,” ayon pa kay Sis. Myrna Advincula.
Kasabay ng mga panalangin ang pag-aalay ng sayaw at papuri na nagpapakita naman ng pasasalamat sa kasagutan sa kanilang mga tinig at dasal kasama ng iba’t ibang ilaw na sumisimbolo naman ng hindi napapatid na paggabay at pagpapala ng Dakilang Ama sa kaniyang mga anak.
“Pumunta kami dito, dumalo kami dito sa prayer rally dahil ang tribong Matigsalog sa area ng Marilog at Bukidnon ay nakikiisa sa pagtitipon na ito bilang suporta sa ating pinakamamahal na Pastor, walang iba kundi si Pastor Apollo C. Quiboloy,” wika ni Evelyn Amion, Community Member, Matigsalug Tribe.
“Ang pakikiisa ng tribo dito ngayon ay ang pag-ibig at ang pakikiisa ng tribo para kay Pastor, dahil itinuturing nila si Pastor na isang mapagmahal na tao, kaya’t nararapat lang ding suklian ang kanyang pagmamahal sa lahat,” dagdag ni Amion.
KOJC Prayer Rally sa Davao City walang tigil kahit Holy Week
Kasabay ng pagkakaisang panalangin at pagpupuri, nagkaroon din ng pagkakataong gunitian ang mga dinaanang paghihirap at pag-aalay ng buhay ng ating Amang Hesu Kristo sa King Dome makamit lamang ang kaligtasan.
Kapansin-pansin na bagama’t ilang araw nang ginagawa ang pagkakaisang papuri at panalangin upang makamit ang hustisya at katarungan kay Pastor Apollo ay hindi ito natitinag bagkus ay lalo pang lumalakas at tumitindi ang mga tinig ng bawat isa na nakikiisa rito na hindi magkamayaw sa pagsambit ng pasasalamat para sa katagumpayang kanilang tinatanggap.
“Sa ngayon, tayoy napasama sa ginaganap na prayer rally dito sa Davao City in support sa ating pinakamamahal na Pastor, Pastor Apollo C. Quiboloy.”
“Pinapakita natin to sa buong mundo na
na kahit paman napakaraming nag ba-bash sa ating pinakamamahal na Pastor, nagbibigay ng masasamang mga paratang, mas marami ang sumusuporta dito ngayon dahil alam natin na ang ating pinakamamahal na Pastor ay nasa kabutihan, at alam natin na kahit kailan ay hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan. Balang araw, sa isa sa mga araw na ito ang ating pinakamamahal na Pastor ay mananagumpay,” pahayag ni Reynald Tapel, KOJC Full-Time Missionary Worker.
Prayer rally para kay Pastor ACQ sa Davao City, mas lalong pinalakas sa ikalawang linggo ng pagpapatuloy nito
At sa ikalawang linggo ng nagpapatuloy na prayer rally sa KJC King Dome Plaza sa Davao City, kitang-kita ang pagkakaisa ng lahat mga Kingdom citizens, full-time workers, mga miyembro at taga-suporta ni Pastor Apollo na taos-pusong nagpapasalamat at mataimtim na nananalangin sa Amang Makapangyarihan—na sa huli ang katarungan, kabutihan, at katotohanan, ang siyang mananaig.
Bukod pa rito ay mas lalo ring umindak sa sayaw ng papuri at saya ang mga dumalo bilang pagpupugay sa Amang Makapangyarihan sa mga lubos-lubos na pagpapalang ibibigay nito hindi lamang sa Kingdom of Jesus Christ at kay Pastor Apollo—kundi maging sa buong Pilipinas.