Taiwan affairs office ng China, pinanindigan na hindi mababago ng eleksyon ang totoong estado ng Taiwan

Taiwan affairs office ng China, pinanindigan na hindi mababago ng eleksyon ang totoong estado ng Taiwan

INIHAYAG ni Chen Binhua, spokesman para sa Taiwan affairs office ng China na hindi mababago ng resulta ng eleksyon sa Taiwan ang status at katotohanan na ang Taiwan ay parte ng China.

Ito ay sinabi ni Chen nang hingan ito ng komento sa nangyaring eleksyon at nanalong lider ng Taiwan.

“The elections of the Taiwan region are local affairs of China. The election results reveal that the Democratic Progressive Party (DPP) cannot represent the mainstream public opinion on the island. The results will not sway the status and fact that Taiwan is part of China, will not change the basic landscape and development trend of cross-Strait relations, and will not impede the inevitable historical trend of China’s reunification. We will firmly adhere to the 1992 Consensus that embodies the one-China principle,” Spokesman, Taiwan Affairs Office of China State Council Chen Binhua said.

Ayon kay Chen, mariin nilang tututulan ang anumang pagtatangka para sa pagsasarili ng Taiwan at reresolbahin ang mga isyu para sa reunification nito sa China.

“We’ll take firm and strong actions to oppose separatist attempts for ‘Taiwan secession’, with the indestructible abilities to smash separatist activities and safeguard national sovereignty, and the unwavering will to resolve the Taiwan question and realize China’s complete reunification. ‘Removing the DPP from power,’ opposing ‘Taiwan secession,’ advocating for peace instead of war, pursuing development rather than recession, promoting communication over separation, these are the mainstream public opinions within Taiwan,” he added.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter