Taiwan, may alok na mga trabaho para sa mga Pilipino—MECO

Taiwan, may alok na mga trabaho para sa mga Pilipino—MECO

MAYROONG mga available na trabaho sa Taiwan para sa mga Pilipino ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO).

Madalas na mula sa manufacturing industry ang may job opportunity para sa mga Pinoy.

Ayon kay Labor Attache Cesar Chavez Jr., hindi bababa sa P52K ang makukuhang sahod sa mga inaalok na trabaho doon.

Hanggang Enero 2024, nasa 150K ang OFWs sa Taiwan at karamihan ay nagtatrabaho sa mga pabrika.

24K lang ang nagtatrabaho doon bilang domestic helpers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble