NAGDONATE ang Taiwan ng US $400,000 sa Pilipinas bilang isang disaster relief fund.
Ito ay upang matulungan ang mga biktima na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Paeng kamakailan.
Itinurn-over naman ni Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines Representative Peiyung Hsu ang cash assistance kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Silvestre Bello III at Cagayan Governor Manuel Mamba.