Taiwan, nakalikom ng $17-M na donasyon para sa mga biktima ng lindol sa Japan

Taiwan, nakalikom ng $17-M na donasyon para sa mga biktima ng lindol sa Japan

NAKALIKOM ang Taiwan ng milyung milyong pondo para tulungan ang Japan na maka-recover mula sa lindol na naganap tatlong linggo na ang nakalipas at naging sanhi ng pagkasawi ng higit dalawandaang katao.

Higit sa labimpitong milyong dolyar ang nalikom ng Taiwan mula sa pribadong sektor sa loob ng dalawang lingo.

Ito ay ayon sa Health and Welfare Ministry ng bansa. Hiwalay rin ito sa donasyon ng gobyerno ng Taiwan na animnapung milyong yen para sa nangyaring paglindol.

Isa sa may pinakamalaking ambag sa naging fundraising campaign ay ang Cathay Financial Holdings, isang major financial service provider sa Taiwan.

Matatandaan na ang magnitude 7.6 na lindol na tumama sa Noto peninsula sa Ishikawa prefecture ay nagdulot sa pagkasawi ng dalawandaan at tatlumput tatlong katao habang dalawampu naman ang nawawala.

Samantala, ang donasyong ito ng Taiwan sa Japan ay isa sa pinakamalaking donasyon na inilaan para sa nangyaring lindol.j

 

Follow SMNI NEWS on Twitter