NAMIGAY ng P11.2-M in cash ang Taiwanese government para sa mga apektadong residente sa Davao Region dahil sa malawakang pag-ulan, pagbaha, at mga landslide.
Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Silvestre Bello III, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mamamahala sa donasyon.
Ito rin ang naatasang mamigay ng 40-K sako ng bigas mula sa Taipei Economic and Cultural Office.
Lubos namang pinasalamatan ng MECO ang donasyon na ito ng Taiwan lalo na’t ikinokonsidera ng Pilipinas na long-time friend ang nabanggit na bansa.