Takeda Pharma sa Japan, nag-aplay para sa pag-apruba ng Moderna booster shots

Takeda Pharma sa Japan, nag-aplay para sa pag-apruba ng Moderna booster shots

NAG-APLAY ang Takeda Pharmaceutical company sa Japan para sa pag-abruba ng paggamit ng Moderna vaccines bilang booster shots.

Ayon sa opisyal ng kumpanya, nag-aplay ang Takeda Pharmaceutical company ng Japan sa Health Ministry para sa pag-apruba na gamitin bilang booster shots ang bakunang dinevelop ng UD Biotechnology Firm Moderna Inc., mula Pebrero.

Ang Takeda, na namamahala sa pagbebenta at pamamahagi ng bakunang Moderna sa Japan, ay nagsumite ng aplikasyon noong Miyerkules upang humingi ng go signal para sa halagang gagamitin at ang paraan sa pangangasiwa nito.

Tatalakayin ng subcommitee ng health expert ang paggamit ng Moderna bilang booster shot sa katapusan ng Disyembre, kung saan pinaplano ng Takeda na simulan ang pagbibigay ng bakuna sa mga workplace simula sa Marso.

Sa clinical trials nito, nagbigay ang Moderna ng 0.25 milliliters para sa ikatlong doses, kung saan ito ay kalahati sa ginamit para sa naunang dalawang doses na 0.5 milliliters bawat doses, pagkatapos ng mahigit anim na buwan mula nang matanggap ang ikalawang shot.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.