Talakayan sa pagsugpo ng insurhensiya at mga karapatan sa panlipunan sa Pilipinas, nagtapos sa Los Angeles

Talakayan sa pagsugpo ng insurhensiya at mga karapatan sa panlipunan sa Pilipinas, nagtapos sa Los Angeles

NAGTAPOS ang talakayan sa pagsugpo ng insurhensiya at mga karapatan sa panlipunan sa Pilipinas sa Los Angeles.

Mula sa Washington DC, New York hanggang California, magiting na ipinagpatuloy ng mga opisyal at grupo mula sa Pilipinas ang kanilang adbokasiya upang labanan ang gulo na hatid ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF sa kanilang kanilang serye ng talakayan sa mga kababayan natin sa Amerika.

Pinangunahan ang mga talakayan ni National Security Sector Representative Director Marites de Los Reyes, Yakap ng Magulang founding president Relissa Lucena, SMNI’s Laban Kasama ang Bayan anchor at secretary general ng Sambayan Jeffery “Ka Eric” Celiz, at Bae Anna Jessa Mae Crisostomo ng Obo-Manobo tribe sa Mindanao.

Anila, inaasahan nito na ang diyalogong ito ay magdadala pa ng higit pang atensyon upang mabilis na mapigilan ang pinsalang dala ng makakaliwang grupo.

Sa kanilang pagbisita sa KJC headquarters, nakapanayam ng SMNI News si Bae Jessa, kung saan malugod niyang ibinahagi ang kahalagahan ng serye ng talakayan na ito.

Naging emosyonal si Bae Anna sa boses na binigay ng SMNI sa mga katutubo na kanyang nirerepresenta.

Sa paglalantad ng maling ideolohiya ng grupong CPP-NPA-NDF, nais nilang mapuksa ang anumang plano na pabagsakin ang demokrasya ng bansa.

Isa sa mga dumalo ay ang mga dating alkalde ng lungsod ng Carson at ngayo’y miyembro ng Konseho na si Jim Dear.

Bilib siya sa misyon ng grupo na ipamulat sa mga kababayan natin ang epekto ng terorismo sa Pilipinas.

Sa kanilang pagtatapos sa serye ng forum at talakayan laban sa makakaliwang rebeldeng terorista sa Pilipinas, malaki rin ang pasasalamat ng grupo sa SMNI at ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa boses at plataporma na ibinigay ng butihing Pastor upang ipabatid sa marami ang kanilang napakahalagang misyon.

Umaasa ang team na napapadala nila ang mensahe sa ating mga kababayan sa US para maligtas ang ating kultura at ang ating mga kabataan sa banta ng maling ideolohiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter