BAWAL nang makilahok sa May 2025 midterm polls ang party-list organizations na natalo sa nakalipas na dalawang eleksiyon.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson John Rex Laudiangco, maglalabas na sila ng resolusyon para dito kung saan tatanggalin na ang kanilang mga organisasyon sa listahan.
Noong nakaraang linggo ay sinabi na ng COMELEC ang pagnanais nilang gawing nasa 130 lang na party-lists ang sasali sa may 2025 polls.
Noong 2022, nasa 177 ang kasali na party-list organizations sa eleksiyon.