DAPAT sundin ang tamang building codes, payo ni Dr. Carlo Arcilla na isang geologist at director ng Department of Science and Technology-Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI) sa panayam ng SMNI News.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang building codes, maiiwasan sa Pilipinas ang nangyari sa Turkiye na mabilis lang nasira o nawasak ang kanilang mga gusali.
Ang pinakamalaking fault line sa Pilipinas na tinawag na Philippine Fault ay bumabagtas sa ilang bahagi ng Metro Manila gaya ng Quezon City, Pasig, Marikina, Makati, Taguig, Muntinlupa at maging sa karatig probinsya.
Kung mangyayari man ang napakalakas na lindol at hindi nasunod ang tamang building codes, tinatayang gaya rin sa Turkiye ay aabot ng mahigit 30k ang mamamatay mula sa Metro Manila.