Tamang pagtalima sa building code, mahalaga para iwas malawak na pinsala tuwing may lindol—OCD

Tamang pagtalima sa building code, mahalaga para iwas malawak na pinsala tuwing may lindol—OCD

MULING pinapahalagahan ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagtalima sa tamang building code tuwing may gagawing imprastraktura.

Itoy bilang paghahanda sa mga malalakas na lindol ayon kay OCD Administrator at Usec. Ariel Nepomuceno.

Mainam rin na magkaroon na ng matatag na engineering measures para hindi gaanong maapektuhan kung darating ang “the big one”.

Ang striktong pagsunod rin sa hindi pagtatayo ng anumang imprastraktura sa “no build zone” at “landslide prone areas” ay nakatutulong para maiwasan ang malawakang pinsala.

Bagamat para sa buong bansa, partikular na ipinanawagan ito ng OCD sa mga lugar tulad ng Manila, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Quezon City, San Juan, Taguig, Valenzuela at Pateros.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble