Tambalang Lacson-Sotto hindi kukuha ng dagdag na security sa pangangampanya

Tambalang Lacson-Sotto hindi kukuha ng dagdag na security sa pangangampanya

WALANG balak ang Lacson-Sotto tandem na magdagdag ng security habang nangangampanya.

Matatandaan na ayon sa COMELEC, maaring mabigyan ng additional security ang mga presidential at VP bets kung manghihingi ang mga ito.

Ang pahayag ng COMELEC ay kasunod ng shooting incident na nangyari umano kay Ka Leody De Guzman kamakailan.

Sa presscon, sinabi ni Lacson na kuntento na sila sa security na mayroon sila ngayon at anila kapag oras mo na, oras mo na.

Habang si Sotto ay matagal na raw walang security kaya wala raw itong plano na magavail ng dagdag na tao para magbantay sa kanya.

BASAHIN: Senator Lacson, nanindigan na hindi pinagtulungan ng mga presidential candidate si VP Robredo

Follow SMNI NEWS in Twitter