Tangkang pagpapasabog ng IED sa Cotabato, napigilan ng militar

Tangkang pagpapasabog ng IED sa Cotabato, napigilan ng militar

NAPIGILAN ng tropa ng Joint Task Force Central ang tangkang pagpapasabog ng improvised explosive device (IED) sa Cotabato.

Ito ay matapos madiskubre ang pampasabog na iniwan sa kahabaan ng barangay road sa Sitio Proper, Inug-ug, Pikit.

Agad na kinordonan ng mga sundalo ang lugar at nakipag-ugnayan sa 33rd Explosive Ordinance Disposal Team.

Narekober ng EOD team ang unexploded ordnance, electronic wires, at isang 9 Volts battery na dinala sa kanilang headquarters para sa technical investigation at proper disposition.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command (WMINCOM) Commander Lieutenant General Roy Galido, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon upang malaman kung sino ang nasa likod ng tangkang karahasan.

Patuloy aniya silang gumagawa ng pre-emptive actions laban sa mga natitirang terorista na nais makapanggulo sa komunidad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter