Tanglawan Festival, opisyal na magbubukas ngayong araw sa San Jose del Monte, Bulacan

Tanglawan Festival, opisyal na magbubukas ngayong araw sa San Jose del Monte, Bulacan

OPISYAL nang bubuksan ngayong araw ng Biyernes Setyembre 1, 2023 ang grand opening ng Tanglawan Festival na bahagi ng pagdiriwang ng ika-23 anibersaryo ng cityhood ng San Jose del Monte, Bulacan.

Uumpisahan ang 10 araw na kasiyahan gaya ng Pasiklab sa Tanglawan Grand Opening kasabay ang Cultural Fashion Show na gaganapin sa kanilang City Sports Complex.

Susundan ito ng Cultural Fashion Show Exhibit at Arya-Aryahan Street Dance Competition sa Setyembre 2, Sabado.

Habang inaasahan ang dagsa ng mga residente, bisita, mga investor ng lungsod para sa inihandang Zumbarangkada, Indak Parangal kay San Jose, Gala Night at Investors Night at Unity Walk na mangyayari simula Setyembre 3-6, 2023.

Mayroon ding Hot Air Balloon Show, Tanglawan Light Festival at marami pang iba na tiyak na kapana-panabik sa mga residente at mga bisita sa lungsod.

Labis naman ang pasasalamat ng punong abala sa mga aktibidad na sina San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes at Lone District Congresswoman Rida Robes dahil sa mga biyayang natatanggap ng kanilang lungsod bunga ng maayos na serbisyo publiko ng mga kawani ng lungsod.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter