Tapang at talino ni Pangulong Duterte, namana ni Mayor Sara

Tapang at talino ni Pangulong Duterte, namana ni Mayor Sara

MARAMI ang humahanga dahil sa tapang at talino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ngunit mawawalang-saysay ang lahat ng nagawa  nito kapag makukuha ng oposisyon ang Malakanyang.

Ito ang hayagang sinabi ng Duterte stalwart at writer na si Jun Abines sa panayam ng Sonshine Radio.

Ani Abines, bagama’t karapat-dapat nang magpahinga ang Pangulo, ikinalulungkot pa rin aniya niya na matatapos na ang anim na taong pagseserbisyo nito sa bayan dahil ngayon lang ang Pilipinas nagkaroon ng ganitong uri ng Pangulo.

Dahil dito, binigyang-diin ni Abines na kinakailangan talaga na may magpapatuloy sa nasimulan ni Pangulong Duterte at ito aniya ay walang iba kundi si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na syang nagmana sa tapang at talino ng Pangulo.

“Si Sara Duterte ay nagmana sa tapang at talino ni Pangulong Duterte. Kailangan talaga natin ng Pangulo na matapang for the last 35 years, lahat ng presidente natin ay kung baga inuutusan lang ng mga big tapos binu-bully, parang si Sara Duterte lang talaga ang may high percentage na may continuity ang estilo at efficiency ni Tatay Digong sa pagka-pangulo,” pahayag ni Abines.

Naniniwala naman si Abines na mag-withdraw ng kandidatura sa pagka-alkalde ng Davao City si Mayor Inday Sara at maghahain ito ng Certificate of Candidacy (COC) bilang pangulo sa 2022 elections.

Nauna nang sinabi ni Mayor Inday Sara na isa lang sa kanilang pamilya Duterte ang tatakbo sa national post subalit kamakailan lang ay inanunsyo ni Pangulong Duterte na magreretiro na ito sa politika.

 

SMNI NEWS