SLAY na slay at pinatunayan ng kandidata na si Tarah Valencia na kailanman ay hindi mawawala sa puso at dugo ng mga Pilipino ang galing sa pagrampa at pag-presenta ng kagandahan In. And. Out.
Umusad lang naman sa semifinals ang beauty queen ng Baguio matapos manaig sa Supra Model of the year na pre-pageant competition ng Miss Supranational 2025.
Nangibabaw ang Filipina beauty sa runway challenge suot ang isang avant-guard crop top at long frilly skirt na gawa ni Inigo Villegas, at siyempre mas lalo pang naging head-turner sa runway si Tarah dahil sa kanyang sleek hairstyle at smokey eyes na bagay na bagay sa kanyang outfit.
Year 2013 nang unang naiuwi ni Mutya Datul ang first ever crown ng bansa sa Miss Supranational pageant, kaya naman goal ni Tarah na maiuwi para sa bansa ang ikalawang korona.
Isa rin itong patunay na malaki ang chance ni Tarah na manalo sa nasabing pageant. Nagsimula ang pageant noong June 9 hanggang June 28 sa Malopolska, Poland.