Target na annual GDP growth para sa 2023, ‘di naabot ng gobyerno

Target na annual GDP growth para sa 2023, ‘di naabot ng gobyerno

LUMAGO sa 5.6% ang ekonomiya ng Pilipinas o Philippine Gross Domestic Product (GDP) sa ikaapat na quarter ng 2023.

Ngunit ito ay mababa kumpara sa naitalang 5.9% na paglago noong ikatlong quarter ng 2023.

Nagresulta ito sa 5.6% full-year growth na mas mababa sa 7.6 porsiyento noong 2022.

Bigo ang gobyerno na maabot ang target na annual GDP growth na 6% hanggang 7% para sa 2023.

Pilipinas, isa pa rin sa ‘Best Performing Economies’ sa Asya

Pero sa kabila nito, ipinagmalaki ng National Economic Development Authority (NEDA) isa pa rin ang Pilipinas sa ‘Best Performing Economies’ sa Asya.

Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na nalagpasan ng bansa ang GDP growth ng China at Malaysia para sa ikaaapat na quarter noong 2023.

Aniya ang GDP ng bansa noong 2023 ay 8.6% na mataas than pre-pandemic levels.

Batay sa world economic outlook ng International Monetary Fund (IMF) ang Pilipinas din ang ikalawa sa mga pinakamabilis na emerging economies.

“Among the emerging economies in the world, despite that forecast lower than what we are aiming in the government, it’s still a very impressive and I think encouraging indication,” ayon kay Sec. Arsenio Balisacan, NEDA.

Para sa 2024, target ng gobyerno ang nasa 6.5% hanggang 7.5% na annual GDP.

Political instability, makakaapekto sa ekonomiya ng bansa—NEDA

Hindi naman itinatanggi ng pamahalaan ang mga posibleng makaapekto sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas tulad ng El Niño at mga sigalot sa labas ng bansa.

Kabilang na rin ang away-politika.

“Any country that has political instability will hurt its economy. So its everybody’s wether you are Philippines, thailand or Vietnam, you want to ensure that stability is maintain because at the end of the day it’s what determines the major decisions in relation to investment,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble