INIULAT ng Boracay Island na narating na nila ang kanilang target na tourist arrivals para sa taong 2023.
Mula Enero hanggang Hunyo 11, nasa 998-k na ang dumating na mga biyahero sa isla.
Lagpas kalahati na ito sa 1, 800, 000 na 2023 target tourist arrivals ayon sa Malay Tourism Office.
Itinuturong sanhi ng pagtaas ng tourist arrivals ay ang pagbabalik ng international flights sa Kalibo International Airport.
Maging ang pagluwag ng travel restrictions ay isa rin sa itinuturing na dahilan.
Ayon sa Malay Tourism Office, positibo sila na maaabot nila ang halos 2M turista bago matapos ang 2023.