Task force na tututok sa pagkamatay ni Percy Lapid, binuo ng Las Piñas Police

Task force na tututok sa pagkamatay ni Percy Lapid, binuo ng Las Piñas Police

BINUO ng Philippine National Police (PNP)– Las Pinas City Police Station ang isang task force na tututok sa nangyaring pagpaslang ng brodkaster na si Percy Lapid.

Sa press statement ni PNP Las Piñas Chief PCol. Jaime Santos, unang hakbang nito ang pagsasailalim ng cellphone at dashcam ng biktima sa isang imbestigasyon at pagsusuri upang matukoy ang mga suspek.

Sinigurado ng PNP Las Piñas na sisilipin din nito ang lahat na posibleng anggulo sa kaso at isa na rito ang uri ng trabaho ni Lapid bilang brodkaster.

Batay sa ulat, binaril si Percy ng dalawang hindi kilalang lalaki bandang Aria St., Sta. Cecilia Village, Talon Dos, Las Piñas City nitong Lunes ng gabi.

 

Follow SMNI News on Twitter