PINAGANA ng 6th Infantry Division ang Task Group “Bangis” upang palakasin ang presensya sa South at Central Mindanao.
Ayon kay Major General Roberto Capulong, commander ng 6th Infantry Division, layunin ng task group na lansagin ang natitirang miyembro ng Guerilla Front Musa ng New People’s Army (NPA).
Sinabi ni Capulong na ipakakalat ang task group sa hurisdiksyon ng 1st Mechanized Infantry Brigade.
Itinalaga naman ni Capulong si Lieutenant Colonel Michael Angelo Candole bilang battalion commander ng Task Group “Bangis.”
Dagdag ni Capulong, ang pagbuo ng task group ay isa sa pangako ng 6th Infantry Division kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang mapaigting ang kampanya laban sa NPA.