PINURI ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang Iglesia ni Cristo dahil sa kanilang mapayapa, marangal, at malinis na mga gawain na nagtataguyod ng nation-building, na aniya’y kanilang natatanging tatak.
“Well ang message ko nung una nanalangin ako na laging gagabayan ng Diyos kasi whole day lang ‘yun lahat ng miyembro ng Iglesia at iba’t ibang civil and religious group dadalo ganun nga ang nangyari.
Yung kanilang rally tatak Iglesia yan mapayapa, marangal, malinis at saka for nation-building.
Gusto nila na hindi kaguluhan kundi kapayapaan.
Kasi nakita ng Iglesia, naapektuhan ang kanilang membership, mahal ang bilihin, lahat.
So, ‘yan ang tatak Iglesia, disiplinado, marangal, mahusay, malinis at saka may takot sa Diyos.
At ang leadership ng Iglesia talagang hinahangaan sa buong sanlibutan dahil sa disiplina ng kanilang mga kasapi kaya ganiyan kailangan tayo lahat.
Kailangan ang mga Pilipino marangal, malinis, mapayapa at silang lahat ay nagkakaisa for nation-building, ganun din tayo sa KOJC.
Matagumpay ba ang peace rally ng INC?
Sobrang matagumpay kasi ang mensahe nila ay nag-resonate sa puso ng mga mamayang Pilipino.
That is across the nation.
Ganun din ang feeling ng napakaraming mga tao ngayong, mga panahong ito na nagkakagulo tayo.
‘Yung nangyari sa KOJC, nung siege natin, nung libu-libong police ang dapat na magtangol at sumunod sa batas pero hindi nangyari yun.
Kaya ito, ang rally na ito is a sign na gusto ng pagkakaisa, pagkakaunawaan, kapayapaan, kahusayan, kalinisan, at disiplinadong Pilipino.
Ganiyan, para tayong lahat ay magkaisa at umusbong ang Pilipinas huwag magbangayan, huwag mag-isahan, huwag magnakawan, yan ang mensahe ng INC.
Kaya pinupuri natin ang dakilang Ama sa leadership ni Ka Eduardo Manalo sa kanilang mga kasapi sa buong Pilipinas.
Mabuhay po kayo.”