3 Filipina beauty queens, sasabak na sa international competitions ngayong October

3 Filipina beauty queens, sasabak na sa international competitions ngayong October

SASABAK sa tatlong international pageants ang tatlo ring Filipina beauty queens ngayong October.

Sa October 14 ay nakatakdang isagawa ang Miss Intercontinental Pageant sa Egypt kung saan magiging representative ng Pilipinas si Binibining Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano.

Sa October 15 naman sa Albania ang Miss Globe at si Binibining Pilipinas Globe Chelsea Fernandez ang sasabak sa kompetisyon.

Samantala, si Binibining Pilipinas Grand International Roberta Angela Tamondong ay para sa Miss Grand International Coronation na naka-schedule sa October 25 sa Thailand.

Ang tatlong Beauty Queens ay nagpahayag na bagama’t kabado ay sabik silang mairepresenta ang Pilipinas at maiuwi ang korona sa kani-kanilang kompetisyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter