Tatlong indibidwal sa Davao Region, nagpositibo sa COVID-19 UK variant

NAGPOSITIBO sa COVID-19 UK variant ang tatlong indibidwal mula sa rehiyon ng Davao.

Ayon sa Department of Health Region 11, dalawa sa mga nagpositibo ay mula sa Davao de Oro.

Tiniyak naman ng DOH-Region 11 na agad nitong isinagawa ang contact tracing para hindi na lalaganap pa ang naturang sakit.

Samantala, animnapu sa pitumpung samples mula sa DOH Central Visayas na isinumite sa Philippine Genome Center para sa genome sequencing ay nagnegatibo naman sa UK variant.

Ang natitirang sampu naman ay nakatakda pang suriin.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.