Tauhan, kagamitan ng militar, handang tumugon sa epekto ng Bagyong Egay—AFP

Tauhan, kagamitan ng militar, handang tumugon sa epekto ng Bagyong Egay—AFP

NAKAHANDA ang mga tauhan at kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtugon sa epekto ng Bagyong Egay.

Ito ang tiniyak ni AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr.

Ito’y matapos isailalim ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang ilang lugar sa Luzon sa Signal No. 5 at 4.

Ayon kay Brawner, inalerto nila ang 525th Engineer Combat Battalion (525ECBN) ng  51st Engineer Brigade (51EBDE) sa Camp Atienza, Libis, Quezon City.

Inihanda ng kanilang mga tauhan ang Disaster Response Operations Teams o Tools, Equipment, Accessories.

Gagamitin ang mga ito sa pagsasagawa ng rescue, relief at clearing operations sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter