Taumbayan, nananabik pa rin sa mga Duterte

Taumbayan, nananabik pa rin sa mga Duterte

DAMANG-DAMA ng lahat ang serbisyo ni  Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte bilang dating pangulo ng Pilipinas.

Naikuwento ni Jun Abines, isang Political Commentator mula sa Cebu na kahit pa kilala umano ang kanilang probinsya bilang supporter’s ng mga dilawan sa loob ng mahabang panahon ay hindi maikakaila na ramdam nila ang kaibahan ng serbisyong propaganda lang o serbisyong saklaw ang buong masa.

Masaya aniya siya kay dating Pangulong Duterte dahil nawala ang mga gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga sa kanilang komunidad.

“Ang kriminalidad ay nawala rin,” ayon pa sa Political Commentator

Si Eb Jugalbot na isang Political Commentator din, ay nagsabi na nananatiling nananabik ang taumbayan sa serbisyo ng isang Duterte.

Binigyang-diin nito na kahit hindi na pangulo ng bansa si FPRRD, isinisigaw parin ang pangalan nito kahit saan.

Halimbawa nalang aniya ang naging selebrasyon ng Sinulog sa Cebu ngayong taon kung saan nagsidatingan ang mga dilawang politiko. Ngunit ani Jugalbot, sa mga video na ipinadala sa kanya, rinig na rinig na nanatiling “Duterte” ang isinisigaw ng taumbayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble