Taumbayan wala nang makikitang mabuti sa kasalukuyang administrasyon—Ado Paglinawan

Taumbayan wala nang makikitang mabuti sa kasalukuyang administrasyon—Ado Paglinawan

MATAPOS ang ginawa ng administrasyong Marcos na isuko sa International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, naniniwala ang isang political analyst na si Ado Paglinawan na wala nang makikita ang taumbayan na mabuti sa kasalukuyang administrasyon.

“Palagay ko wala nang makikitang mabuti pang gagawin ang taumbayan dito sa mga sakim na sakim at sabik na sabik sa kapangyarihan,” ayon kay Ado Paglinawan, Political Analyst.
Aniya, ipinakita lang ng administrasyong Marcos sa kanilang aksiyon na wala nang kaluluwa ang mga ito.

Sa kabila nito, naniniwala siyang nagtagumpay ang Marcos-Araneta-Romualdez sa isang bagay.

 “I think the Marcoses, the Aranetas, and the Romualdezes succeeded in organizing the people against them,” giit nito.

Kasunod ng ilegal na pag-aresto at pagpapadala kay Duterte sa ICC sa The Hague, Netherlands, kaliwa’t kanang prayer vigil ang inilulunsad ng kaniyang mga taga-suporta sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ipanawagan ang hustisya.

Kaugnay rito, hindi na ipinagtataka ni Ka Ado kung maraming magbibitiw sa gabinete ni Marcos, pati na rin sa hanay ng men-in-uniform.

“Nagko-collapse na ang gabinete ni Marcos at hindi na ako nagugulat kung magkaroon man ng mass resignation sa gobyerno, sa kapulisan, o di kaya ay sa militar. Hindi na ako nagugulat diyan,” aniya.

Matapos ang pag-aresto kay Duterte, maraming lumalabas sa social media na men-in-uniform na naghahayag ng kanilang pagbibitiw sa tungkulin.

Naniniwala naman si Ka Ado na ang hakbang ng gobyerno laban kay Duterte ay matagal nang planado.

“Ito ang eksaktong quotation. Balikan n’yo ‘yung presscon. Analyze n’yo. Ano sabi niya? Noong 6:30 sinabi kay Remulla, ‘Let’s put our plans in place.”
“So, may bitag nang nakahanda. Suspetsa ko, bago pa man umalis si Duterte papuntang Hong Kong, matagal nang may plano. Talagang ‘yung timing na lamang ang hinihintay,”
aniya pa.

Samantala, dahil sa ginawang ito ng administrasyon kay Duterte, mas lalo aniyang hindi mananalo ang senatorial slate ng administrasyon sa darating na 2025 Midterm Elections.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble