Taunang 5150 Triathlon, ginanap sa isla ng Panglao, Bohol

Taunang 5150 Triathlon, ginanap sa isla ng Panglao, Bohol

GINANAP  sa isla ng Panglao, Bohol ang taunang 5150 Triathlon.

Dinaluhan ng halos 600 kalahok mula sa iba’t ibang bansa gaya UK, US, Australia, Germany, Switzerland, France, Guam, Greece, Indonesia at Japan ang ginanap na 5150 Triathlon sa Isla ng Panglao, Bohol nitong Hulyo 8-9, 2023.

Ang nasabing patimpalak ay kombinasyon ng paglangoy, biking at pagtakbo.

Ayon kay Princess Galura, General Manager at Regional Director ng Ironman Phils, napili ang Bohol ng 5150 Triathlon Team dahil sa magagandang beaches, mga malalaking resort na kayang mag-accommodate ng gamit ng mga kalahok at  international airport na tinaguriang “Best Race Station” sa Panglao Bohol.

“Best race-cation in our calendar, bakit siya best race station? Because the beaches are beautiful, the hotels are five star, most of them big rooms, can accommodate your bike. They have a newly international airport who can land airbuses that can bring-in your bikes together with your families,” pahayag ni Princess Galura, General Manager and Regional Director, Ironman Phils.

Ayon kay Andrew Fernandez, manager ng Bellevue Resort na siyang host venue, mas lalong espesyal ang 5150 Triathlon ngayong taon lalo na at idineklara ang probinsiya na “First Geopark” sa buong bansa at ang kapasidad ng probinsiya ay isa sa dinarayo ng mga turista.

 “Panglao in particular somewhat an amazing place kumbaga, stopping grounds as a “geopark”. So as the gateway, the airport is here, the port is nearby, they’re building bridge that connects us to the Tagbilaran Port, so it’s gonna be so convenient for tourist both local and international,” saad ni Andrew Fernandez, Manager Bellevue Resort.

Ang patimpalak na ito ay naging daan din sa pagtaas ng tourist arrival ng probinsiya.

Layunin nila na mas palawakin pa ang sports tourism ng probinsiya kaagapay ang iba’t ibang pribadong sektor upang mas lalong ma-engganyo ang mga local at internasyunal na turista na bumisita sa isla.

“Our goal is to be the base cap of action here in the province of Bohol. So, there many more activities that’s gonna happen in the future and it’s gonna be, not only great for the Boholanos but it’s gonna be great for the rest of the country because whatever you want to do. The body is the best instrument, you can utilize it perfectly in Bohol, we have great waters to swim in, we have really nice roads to bike on, and of course beautiful place to run about,” dagdag ni Fernandez.

Sa loob ng pitong taon, ang 5150 Triathlon ay isa na sa mga inaabangang patimpalak ng probinsiya na dinarayo ng mga turista kasabay sa selebrasyon ng Sandugo Festival ngayon buwan ng Hulyo para sa mas pinalawig na turismo ng lugar.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter