TAX break ng Airline Companies sa bansang Cambodia pinalawig.
Ang pinalawig na mga hakbang ay naglalayong mabawasan ang epekto ng pagsabog ng komunidad sa COVID-19 noong Pebrero sa sitwasyong sosyo-ekonomiko. At upang ipagpatuloy ang pagsuporta sa mga negosyo sa konteksto ng COVID-19,” pahayag ng gobyerno ng Cambodia.
Ang gobyerno ay magpapatuloy sa pagbibigay ng mga cash relief sa mga mahihirap na pamilya para sa isa pang tatlong buwan.
Ang unemployed na mga manggagawa naman sa sektor ng garments o textile, footwear at travel goods ay patuloy na makakatanggap ng apatnapung dolyar mula sa gobyerno kada buwan at ang mga sinuspindeng factory worker ay makakatanggap ng tatlumpung dolyar.
Habang ang mga walang trabaho sa turismo ay tatanggap ng $40 sa isang buwan mula sa gobyerno sa parehong panahon.
Pinalawig ng gobyerno ng Cambodia ang tax break nito para sa mga Airline Company at sa mga negosyo na mayroong kaugnayan sa turismo ng tatlo pang buwan mula Abril hanggang Hunyo ngayong taon.
Ang pagpapalawak na ito ay upang matulungan ang ekonomiya matapos ang Feb.20 community incident sa bansa na nagdulot ng patuloy na pagtaas ng arawang kaso sa bansa.
Magpapatuloy rin umano ang pamamahagi nito sa mga mahihirap at vulnerable na pamilya sa susunod na tatlong buwan.
Pahayag ng Ministry of Health simula ng magsimula ang pandemya noong nakaraang taon buwan ng January, ang bansang Cambodia ay nakapagtala ng total na 1,872 kumpirmadong kaso ng COVID-19, na may 7 nasawi at 1,056 na naka-recover.
Ang Cambodia ay naglunsad ng anti-COVID-19 vaccination drive kasama ang bakuna na Sinopharm ng China noong ika-10 ng Pebrero. At ang gawa sa India na AstraZeneca vaccine noong ika-4 ng Marso.
Samantala, hanggang sa ngayon ay nakakaranas pa rin ng ikatlong community outbreak ang Cambodia na nagdulot naman sa pagsasara nito ng mga paaralan, sports facilities, museums, mga sinehan at entertainment venues.
(BASAHIN: Cambodia, makikilahok sa pagdiriwang ng Earth Hour sa Marso 27)