NAPILI ang American singer-songwriter na si Taylor Swift bilang “2023 Person of the Year” ng Time Magazine.
Paliwanag ng Time, ang career ni Swift ay kasing legendary ng career nina Michael Jackson, Elvis Presley, at Madonna bilang singer.
Habang kasing legendary naman nina Bob Dylan, Paul McCartney at Joni Mitchell sa pagiging songwriter si Swift.
Sinabi pa ng Time, nagmimistulang main character ngayon si Swift sa buong mundo.
Maliban kay Swift ay pinangalanan din ng Time Magazine bilang “Athlete of the Year” ngayong 2023 ang Argentinian footballer na si Lionel Messi.
Malaki ang ‘transformative’ impact ni Messi sa American sporting landscape ayon sa Time kaya’t deserving ito sa titulo.
Ang American soil anila ay hindi masyadong interesado sa football ngunit nabago ito nang lumagda si Messi ng kasunduan sa pagitan ng American Professional Soccer Club na Inter Miami.