Taylor Swift, nakatakdang ilabas ang re-recorded ng ‘Speak Now’ bago ang concert tour nito

Taylor Swift, nakatakdang ilabas ang re-recorded ng ‘Speak Now’ bago ang concert tour nito

NAKATAKDANG i-release ng music titan na si Taylor Swift ang re-recorded version ng kanyang album na “Speak Now” bago magsimula ang concert tour nito ayon sa isang report.

Base sa ulat ng The Sun, sinabi ni Taylor Swift na pinagtatrabahuhan na nito ang album kasabay ng re-recording ng album nitong “1989.”

Dagdag ng ulat, bagaman pinaplantsa pa lamang ang iba pang detalye ay mauunang ilabas ang ‘Speak Now Taylor’s Version’ sa mga susunod na buwan bago niya simulan ang kanyang “Eras World Tour”.

Matatandaan na layon ng “Taylor’s Version” na makuha ang rights sa kanyang unang anim na album matapos na magkaroon ng ownership issues dahil sa dati nitong celebrity manager na si Scooter Braun.

Si Swift ay mayroong 11 Grammy Awards kabilang na ang tatlong Album of the Year awards para sa “Fearless,” “1989”, at “Folklore.”

Follow SMNI NEWS in Twitter