Taylor Swift, nakuha muli ang “Album of the Year” award sa Grammys

Taylor Swift, nakuha muli ang “Album of the Year” award sa Grammys

NAKUHA ni American singer-songwriter Taylor Swift ang kaniyang ika-apat na “Album of the Year” award sa Grammys para sa kaniyang “Midnights” na album.

Kung matatandaan, nauna nang nakuha ni Swift ang tatlong Album of the Year Awards para sa kaniyang “Fearless”, “1989” at “Folklore”.

Dahil dito, nalagpasan na ng singer ang record ng music icons gaya nina Frank Sinatra, Paul Simon, at Stevie Wonder para sa pinakamaraming nakuhang top Grammy Awards.

Maliban dito ay nakuha rin ng pop singer ang “Best Pop Vocal Album” award.

Samantala, sa nabanggit na award ay inanunsiyo ni Taylor na magre-release muli ito ng album sa buwan ng Abril at may pamagat itong “The Tortured Poets Department”.

Ang 2024 Grammys ay ginanap nitong Pebrero 4, Los Angeles time.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble