Taylor Swift, namigay ng 197M dollars na bonuses sa crew members ng kaniyang ‘The Eras’ Tour

Taylor Swift, namigay ng 197M dollars na bonuses sa crew members ng kaniyang ‘The Eras’ Tour

NAPAULAT na namigay ng kabuuang 197 million dollars bilang bonuses sa kaniyang crew members si American singer-songwriter Taylor Swift.

Kasunod ito sa pagtatapos ng ‘The Eras’ Tour ng singer noong Disyembre 8, 2024 sa Vancouver, British Columbia.

Partikular na kasama sa nabigyan ng bonuses ayon sa isang American weekly magazine ay ang mga truck drivers, caterers, instrument techs, at merch team.

Maging ang mga nasa likod ng lighting, at sound.

Ang mga production staff at assistants, mga karpentero, pyrotechnics, riggers o scaffolders, security personnel, dancers, band members, choreographers, hair stylists, make-up artists, wardrobe stylists, physical therapists, at mga nasa likod ng kaniyang video team ay nabigyan din ng mga bonus.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na namigay ng mga bonus si Swift sa kaniyang crew members sa naturang tour dahil namahagi na ito ng kabuuang 55 million dollars noong Agosto 2023.

Samantala, tinatayang nasa 2 billion dollars ($2,077,618,725) ang kita ng ‘Eras’ Tours mula sa worldwide tickets.

Matatandaang may 149 shows ang singer sa nabanggit na tour sa loob ng 21 buwan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter