Team Bato lumahok sa UGB Party-list Proclamation Rally sa Taguig

Team Bato lumahok sa UGB Party-list Proclamation Rally sa Taguig

LUMAHOK ang Team Bato sa Universal Guardians Brotherhood (UGB) Party-list Proclamation Rally na ginanap sa WWII Veterans Museum Theater, Veterans Road, Taguig City.

Sa naturang pagtitipon, muling nanawagan ng suporta ang grupo para sa muling pagtakbo ni Sen. Bato Dela Rosa sa Senado kasama ang kaniyang mga kapwa kandidato sa PDP-Laban slate.

Pinangunahan ni UGB President Bong Contapay ang programa, na dinaluhan ng humigit-kumulang 350 katao, kabilang ang mga opisyal, miyembro, at ilang mga kandidato sa pagkasenador tulad nina Sen. Bong Go, Atty. Jimmy Bondoc, Philip Salvador, Ret. Col. Ariel Querubin, at Atty. Kaye Laurente bilang kinatawan ni Pastor Apollo Quiboloy.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Senator Ronald “Bato” Dela Rosa Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble