PINAGMUMULTA si Northport Batang Pier Team Manager Pido Jarencio ng P20-K dahil sa naging alitan nito sa pagitan ng dating NLEX road warriors import na si Thomas Robinson.
Nangyari ang alitan sa game ng NLEX at Northport noong Nobyembre 22 kung saan nanalo ang koponan ni Robinson.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na hindi agad nai-settle ang alitan dahil pagkatapos ng ilang araw ay nagbakasyon na si Robinson sa Palawan at Boracay.
Hindi na rin ito kinuha muli ng NLEX pagbalik sa Manila kaya wala nang kakayahan ang PBA para mai-summon ito at magkaroon ng assessment ang technical committee.
Para naman kay Jarencio, binalaan ito na pagmumultahin ng mas malaking halaga kung mauulit ang nangyaring pakikipag-alitan.
Humingi na ng paumanhin si Jarencio kaugnay rito.