Team PH, nakapag-uwi na ng 5 gintong medalya sa 11th Asean Para Games

Team PH, nakapag-uwi na ng 5 gintong medalya sa 11th Asean Para Games

NAGING mainit ang simula ng mga Filipino para-athletes sa 11th Asean Para Games sa Indonesia matapos itong makapag-uwi ng 5 gintong medalya.

Nakapagbigay ang swimming team ng 3 gintong medalya habang 2 gintong medalya naman ang naiuwi ng athletics para sa Asean Para Games.

Muling pinatunayan ni Asian Para Games swimming champion na si Ernie Gawilan ang sarili nito matapos pangunahan ang men’s 400m freestyle S7 na may oras na 4:58.87.

Nanalo rin sa men’s 400m freestyle S9 ang para-swimmer na si Roland Sabido na may oras na 5:09.40.

Pinangunahan naman ni Angel Otom ang women’s 50m backstroke para sa kahanga-hangang ASEAN Para Games debut nito na inabot ng 41.68 seconds.

Hindi rin nagpahuli ang prennial paralympian at athletics team Captain Jerrold Mangliwan matapos nitong muling mapanalunan ang men’s 100m T52 event.

Nagwagi rin ang veteran thrower na si Cendy Asusano ng gintong medalya sa women’s javelin throw.

Follow SMNI NEWS in Twitter