Team Pilipinas 2-0 nasa mixed doubles curling sa Asian Winter Games

Team Pilipinas 2-0 nasa mixed doubles curling sa Asian Winter Games

NAKASUNGKIT agad ng dalawang panalo sa mixed doubles curling ang Team Pilipinas sa pagsisimula ng 9th Asian Winter Games sa Harbin, China, nitong Pebrero 4, 2025.

Sa unang laro ng Group B round-robin preliminaries, tinalo ng Pilipinas ang South Korea sa iskor na 12-6.

Sa sumunod na laro, tinalo rin ng Pilipinas ang Kyrgyzstan sa iskor na 10-2.

Susunod na makakalaban ng Pilipinas ngayong Miyerkules, Pebrero 5, ay ang Qatar at China, habang Kazakhstan naman sa Huwebes, Pebrero 6.

Ang curling ay isang sport na orihinal na nilalaro sa yelo, kung saan tinutulak ng mga manlalaro ang tinatawag na ‘bato’ patungo sa target na tinatawag na ‘house’.

Ang layunin ng laro ay maitulak ang bato malapit sa gitna ng target, at gumagamit sila ng walis upang linisin ang yelong madadaanan ng bato para makontrol ang bilis at direksiyon nito.

Itinuturing ang curling bilang isang sport na nangangailangan ng mahusay na koordinasyon at pagpaplano ng mga galaw ng mga manlalaro upang manalo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter