PATAY ang isang pilot student matapos bumagsak ang isang Tecnam P-2010 aircraft sa karagatang sakop ng Barangay Urayong Bayan, Bauang, La Union.
Ang bumagsak na Tecnam P2010 aircraft ay may registry number RP-C8230.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sakay ng bumagsak na aircraft ang isang 25-anyos na student pilot ng First Aviation Academy sa Subic Bay International Airport na gumagawa ng solo cross-country flight.
Kasalukuyan nang ipinadala sa site ang CAAP Aircraft Accident Investigation & Inquiry Board (AAIIB) team upang alamin ang dahilan ng aksidente.
Sinabi ng CAAP na galing ang flight sa Iba Airport sa Zambales na dadaan sa La Union Airport at Lingayen Airport bago bumalik sa Iba Airport.